Sinuspinde na rin ang pasok sa lahat ng korte sa Metro Manila at Central Luzon ngayong araw.
Ito ay kasunod ng pagtama ng magnitude 6.1 na lindol sa Luzon, kahapon.
Ayon sa Supreme Court Public Information Office, isasailalim sa inspeksyon ang mga apektadong gusali ng korte upang masiguro ang structural integrity ng mga ito matapos ang pagtama ng malakas na lindol.
Ang suspensyon ng pasok sa iba pang korte na naapektuhan ng lindol ay nasa desisyon na ng mga executive judges.
Una rito, agad na ipinag-utos ni Chief Justice Lucas Bersamin ang pag-iinspeksyon sa lahat ng korte sa mga lugar na tinamaan ng lindol.