Aabot sa 11 mga provincial bus ang nasampolan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagpapatupad ng ‘no loading at unloading’ policy sa kahabaan ng EDSA.
Ayon sa MMDA, hinuli at tinekitan ang 11 mga provincial bus drivers na pasaway na nagbaba pa rin ng mga pasahero sa kabila ng kanilang mahigpit na pagpapatupad ng provincial bus ban.
Samantala, sinabi naman ni MMDA General Manager Jojo Garcia na plano na nilang maglagay ng mga bakod sa buong EDSA para matigil na ang pagsasakay at pagbaba ng pasahero ng mga pasaway na bus sa kahabaan ng nasabing kalsada.
Magugunitang kahapon, sinimulan na ng MMDA ang dry run para sa paggamit ng interim terminal sa Valenzuela at Santa Rosa.
Layunin nito ang tanggalin na sa kahabaan ng EDSA ang nasa 47 mga bus terminal sa EDSA.