Hindi na magtatalaga pa ng kalihim para sa Department of Budget and Management (DBM) si Pangulong Rodrigo Duterte hanggang sa matapos na ang kanyang termino sa Hunyo ng 2022.
Ito ang inihayag ng pangulo sa briefing kaugnay ng nangyaring lindol sa Luzon na ginanap sa San Fernando City kung saan dumalo rin ang ilang opisyal ng pamahalaan kabilang si DBM Acting Secretary Janel Abuel.
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi na siya magsasagawa pa ng regular appointment para maging kapalit ni dating Budget Secretary Benjamin Diokno na ngayo’y tumatayong governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Ipinahiwatig din ng pangulo na hindi na kinakailangan pang dumaan ni Abuel sa makapangyarihang Commission on Appointments bilang acting secretary ng DBM.