Binitay ng gobyerno ng Saudi Arabia ang tatlumpu’t pitong (37) mamamayan nito dahil sa umano’y pagkakasangkot ng mga ito sa terorismo.
Ayon sa inilabas na pahayag ng Saudi Press Agency, binitay ang naturang mga indibidwal dahil sa kanilang kaisipang may kinalaman sa terorismo at pagbuo sa mga grupo na nagpa-planong guluhin ang seguridad sa mga bansa.
Ginawa ang pagbitay sa Riyadh, Holy Cities ng Mecca at Medina, Central Gassim province at Eastern province na teritoryo ng Shia Minority.
Nabatid na isa sa mga binitay ay ipinako sa krus na isang parusang nakalaan para sa mga nakakagawa ng matitinding krimen.
Gayunman ang bitay sa Saudi ay kadalasang sa pamamagitan ng pagpugot ng ulo.