Sisimulan na ang full commercial operation ang 150 megawatt coal-fired power plant ng Therma South Incorporated o TSI, na subsidiary ng Aboitiz Power sa Davao City, sa Biyernes, Setyembre 18.
Ayon kay Benjamin Cariaso Jr., Pangulo at Chief Operating Officer ng TSI, mahigit 20 customer na binubuo ng mga electric cooperative at distribution utility sa Mindanao ang susuplayan ng planta.
Dahil dito, inaasahang mababawasan na aniya ang rotating brownout sa ilang bahagi ng Mindanao.
Samantala, nakatakda namang magsimula sa unang bahagi ng susunod na taon ang commercial operation ng isa pang 150 megawatt unit ng TSI.
By Drew Nacino