Dumating na si Pangulong Rodrigo Duterte sa China kagabi para dumalo sa infrastructure forum at makipag-pulong sa mga lider ng bansa.
Sinalubong ng mga opisyal ng China si Pangulong Duterte paglapag ng kaniyang eroplano sa Beijing International Airport ganap na 7:40 ng gabi.
Nasa China ang pangulo para sa second Belt and Road Forum for International Cooperation mula April 25 hanggang 27.
Bukod naman sa opisyal na delegasyon ng pangulo, kasama rin nito ang kaniyang official family na sina Honeylet Avanceña at anak nilang si Veronica sa apat na araw na pagbisita sa China.
Ito na ang pang-apat na beses na pagpunta ng pangulo sa China at layon nito ang dagdag na mga proyektong pang-imprastraktura para isulong ang “Build, Build, Build” projects ng kanyang gobyerno.
Tensyon sa West PH Sea inaasahang mapag-uusapan ni Pangulong Duterte at Chinese Pres. Xi Jinping
Inaasahang mapag-uusapan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping ang usapin sa agawan sa teritoryo sa South China Ssea sa gaganaping Belt and Road Forum for International Cooperations sa Beijing.
Ayon kay Philippine Ambassador to China Jose Santiago Sta. Romana, karaniwan nang bahagi ng pulong nina Pangulong Duterte at Xi ang sitwasyon sa pinag-aagawang teritoryo lalo’t nanatili itong isang mainit na usapin.
Umaasa naman si Sta. Romana na mapapahupa na ng bilateral meeting nina Pangulong Duterte at Xi ang tensyon sa West Philippine Sea.
Gayundin ang mapanatili ang kapayapaan at maiwasang lumala ang giriian sa nasabing lugar.