Nagpaalala si Senador Joel Villanueva sa mga kumpaniya na laging unahin ang kaligtasan at kapakanan ng mga kawani.
Ito’y matapos mapaulat na may mga kumpaniya na hindi pina-evacuate ang kanilang mga empleyado makaraan ang pagtama ng 6.1 na lindol nitong Lunes.
Ayon kay Villanueva, malinaw na nakasaad sa Occupational Safety and Health Law na dapat ay matiyak ang kaligtasan ng mga kawani kapag sila ay nagta trabaho.
Kaugnay nito, umaasa rin si Villanueva na kikilos ang Department of Labor and Employment (DOLE) hinggil sa naturang ulat.