Mananatili sa listahan ng world heritage site ang San Agustin Church sa Maynila.
Tiniyak ito ng National Commission for Culture and Arts (NCCA) sa gitna na rin ng konstruksyon ng Binondo Intramuros Bridge na pinondohan ng China.
Ayon kay Father Harold Rentoria, commissioner for cultural heritage ng NCCA, hinihintay na lamang nilang matapos ang archaelogical assessment at heritage impact assessment na tutukoy kung maaapektuhan ba ng konstruksyon ng tulay ang pagkakabilang ng San Agustin Church sa listahan.
Sinabi ni Rentoria na nakikipag ugnayan pa rin sila sa DPWH na naunang nag suspindi ng konstruksyon ng proyekto para bigyang daan ang pag-aaral na inaasahang matatapos sa Mayo.
Kapag naapektuhan aniya ang buffer zone ipinabatid ni Rentoria na igigiit nila sa dpwh na hindi maaaring ituloy ang konstruksyon sa pangambang matanggal sa listahan ang San Agustin Church sa World Heritage site.
Una nang nagbabala ang unesco na matatanggal sa listahan ng San Agustin Church dahil maaari itong maapektuhan ng itinakdang buffer zone.