Niyanig ng magnitude 5.5 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Norte.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tectonic ang pinagmulan at naitala ang sentro ng lindol sa 70 kilometro timog silangan ng bayan ng General Luna bandang 1:26 p.m.
Naramdaman ang intensity 2 sa Gingoog City, Misamis Oriental habang intensity 1 sa Surigao City.
Samantala, nagbabala ang PHIVOLCS sa posibleng aftershocks.