Pinawi ni Chinese President Xi Jinping ang pangamba ng maraming bansa sa mundo sa Belt and Road Initiative ng China.
Ang proyektong ito ng China ay umaani ng pandaigdigang pagpuna dahil ibinabaon di umano nito sa utang o sa debt trap ang mga mahihirap na bansa at ginagawang kolateral ang kanilang mga natural na yaman.
Tiniyak ni Xi ang financial sustainability at transparency sa lahat ng kanilang mga proyekto sa ilalim ng Belt and Road Initiative.
Nagsalita si Xi sa harap ng 5,000 delegado mula sa 150 na bansa kabilang ang 37 head of states na kinabibilangan ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbubukas ng Ikalawang Belt and Road Forum sa Beijing.