Nagsimula nang ipadala ng COMELEC o Commission on Elections ang mga balota sa iba’t ibang regional at provincial hubs sa bansa.
Ito’y ayon sa poll body makaraang i-anunsyo nito na nakumpleto na nila ang pagi-imprenta sa mahigit na 61 milyong balotang gagamitin para sa May 13 mid-term elections.
Ayon kay COMELEC – Project Management Office Deputy Project Director Teofisto Elnas Jr, mahigit isang milyong balota ang gagamitin para sa final testing at sealing habang ang nalalabi ay bilang demonstration ballots na nakalaan para sa vote counting machines.
Prayoridad sa pagpapadala ng mga balota ang mga malalayong lalawigan sa bansa tulad ng Sulu, Tawi-Tawi, Batanes at Basilan.
Samantala, sinabi rin ng COMELEC na mababawasan ang bilang ng mga gagamiting vote counting machines o VCM ngayong taong ito kumpara sa ginamit na mga makina noong 2016.