May paalala ang NCRPO o National Capital Region Police Office sa mga grupong magkakasa ng kanilang mga pagkilos sa Mayo 1, Araw ng Paggawa.
Apela ni NCRPO Director Police M/Gen. Guillermo Eleazar, hindi dapat maka-apekto sa daloy ng trapiko at maging sanhi ng gulo ang mga ikakasang pagkilos.
Bagama’t ginagalang naman ng pulisya ang karapatan ng bawat isa sa malayang paghahayag ng saloobin, pero sinabi ni Eleazar na hindi rin dapat masakripisyo ang karapatan ng mga hindi lumahok na magkaroon ng isang mapayapang biyahe.
Pagtitiyak ng NCRPO chief, naka-alerto ang kanilang civil disturbance management unit sa mga protesta sa Labor Day at mahigpit nilang ipatutupad ang maximum tolerance sa mga ito.