May malaking epekto sa pagguho ng Chuzon Supermarket sa Porac ang uri ng lupa sa Pampanga matapos ang magnitude 6.1 na lindol.
Ito ang kinumpirma n DOST Undersecretary at PHIVOLCS Director Renato Solidum sa gitna ng imbestigasyon sa pagguho ng nabanggit na gusali.
Malaking portions ng Pampanga ay dahil sa ilalim nito ay built, kaya marami talagang bumitak lalong lalo na sa mga malalambot na lugar pero doon sa kung saan may supermarket sa Porac (Chuzon Supermarket), kung mapapansin ninyo, hindi naman bumagsak ang mga building sa paligid.
Ayon kay Solidum, posibleng hindi sumunod sa building code ang Chuzon kaya’t matindi itong naapektuhan ng lindol gayong hindi naman napakalakas ng pagyanig noong Lunes, Abril 22.
May mga instruments sa paligid, sa Olangpo, sa Pampanga, sa Guagua, San Fernando, at iba pang bahagi pati sa may Clark. Ang ating building code kasi ay may tinatawag na pag-uga ng lupa na dapat dinidisenyo, so yung tinatawag na percentage of acceleration, 40%. Yung na record naming acceleration, wala pang 20%. Ang unequated yung acceleration na yan sa intensity. Kapag sumunod tayo sa building code, hindi dapat babagsak ang istruktura sa intensity 8 na lindol eh ang nangyaring pag lindol lang ay intensity 6 to 7.
(From Mag-Usap Tayo interview)