Bahagyang nagkainitan sina dating PNP chief Ronald Dela Rosa at dating kongresista Erin Tañada sa CNN Philippine Senatorial Debates sa University of Sto. Tomas sa Maynila kahapon.
Ito’y makaraang buksan ni Dela Rosa ang mungkahi na bigyan ng kapangyarihan ang mga pulis sa pagkakasa ng force evacuation tuwing may kalamidad.
Ayon kay Bato, sakaling kailanganin ng sitwasyon, dapat nang arestuhin ng mga pulis ang mga taong magmamatigas magpalikas bagay na kinontra naman ni Tañada.
“May batas na po, yung People Survival Fund, ito’y 1 billion fund na pwede pong I-access ng local government units to help fight and mitigate the effects of climate change and tragedy. Ang problema, hindi ipinapaliwanag o kulang sa information ang ating taong bayan kaya importanteng malaman po nila. 1 billion fund po yan. Pangalawa, hindi dapat inaaresto yung mga taong ayaw lumikas”.
Subalit ipinunto ni Dela Rosa na kaya kailangang arestuhin ang mga ayaw magpalikas ay para masagip ang mga ito sa tiyak na kapahamakan
“Kung kinakailangan ng pulis na mang aresto para ma save ang buhay nila, gawin natin yan! O, wag mong arestuhin, iwan mo diyan, eh di nalibing yan sa landslide, useless ka na pagka pulis!”