Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang opisyal na pagbubukas ng 62nd Palarong Pambansa sa University of the Philippines Sports Complex sa Tugbok, Davao City.
Tinatayang 18 student-athletes ang kalahok sa Palarong Pambansa ang dumalo sa naturang aktibidad sa Bbagong-tayong Davao City-University of the Philippines Mindanao Sports Complex.
Sa kanyang talumpati, pinapurihan ni Pangulong Duterte ang local government unit ng Davao at mga mamamayan nito sa pag-ho-host sa taunang multi-sport event sa ikalawang pagkakataon simula noong 1950.
Naniniwala ang punong ehekutibo na isang mabisang paraan ang sports na itatak sa kabataan ang disiplina, pagtutulungan at pagtitiyaga na mga mahalagang katangian ng “nation building.”