Naitala sa Administrasyong Duterte ang pinakamababang bilang ng trabahong nalikha sa loob ng nagdaang anim (6) na administrasyon.
Ito ay batay sa pag aaral na isinagawa ng Ibon Foundation.
Ayon kay Rosario Guzman, head ng research ng Ibon Foundation, lumalabas sa kanilang pag-aaral na isa sa kakulangan ng kasalukuyang administrasyon para makalikha ng trabaho ay ang hindi pagtutok sa sektor ng manufacturing o paggawa ng produkto.
Ibig sabihin aniya ay hindi rin epektibo ang ‘Build, build, build’ program ng pamahalaan para makalikha ng maraming trabaho.