Bukas para sa mga refugees at iba pang dayuhan ang ikakasang job at business fair ng pamahalaan sa Mayo 1, Araw ng Paggawa.
Ayon kay DOLE-Bureau of Employment Director Dominique Tutay, maaaring makibahagi at mag-apply sa mga alok na trabaho sa kanilang mga job and business fair ang sinuman kabilang na ang mga dayuhan.
Aniya, walang nakasaad na limitasyon ang nasabing aktibidad para sa mga dayuhang manggagawa bagama’t hindi naman nila inaasahang may mga foreign national ang mag-aaply sa job fair.
Binanggit naman ni Tutay na hindi na kinakailangan pang kumuha ng alien employment permit ng mga refugees sa Central Luzon kung mag-aaply ng trabaho dahil itinuturing silang mga stateless persons.