Walong lugar sa bansa ang nakapagtala ng delikadong antas ng heat index kahapon, April 28.
Ipinabatid ng PAGASA na ang Dagupan city sa Pangasinan ang nakapagtala ng pinakamataas na heat index na pumapalo sa 45.9 °C dakong alas-2 ng hapon.
Kabilang sa mga lugar na nakapagtalaga ng mataas na heat index ang Cotabato city – 44.9 °C; Cuyo, Palawan – 43.1 °C; Daet, Camarines Norte – 42. 3 °C; NAIA Pasay city – 42.5 °C.
Bukod pa ito sa San Jose city, Occidental Mindoro – 41.8 °C; Sangley Point, Cavite – 42.6 °C at Zamboanga city – 41.4 °C.
Samantala, ang port area sa Maynila ay nakapagtala ng heat index na 37.2 °C kahapon habang ang Science Garden sa Quezon City ay 36.5 °C ang heat index.