Inilipat na sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) sa Maynila ang pag-iimbestiga sa kaso ng pagpatay sa siyam (9) na magsasaka ng tubo sa Sagay City, Negros Occidental noong Oktubre ng nakaraang taon.
Ito’y ayon kay Justice Undersecreatry Mark Perete ay matapos mag-inhibit ng regional office ng DOJ sa Western Visayas sa nasabing kaso.
Dahil dito, isasagawa na sa DOj manila ang preliminary investigation sa kasong murder laban sa mga suspek sa krimen.
Una nang kinilala ang 2 sa 9 na suspek sa krimen na sina Rene Manlangit at Rogelio Arquillo na sinasabing mga dating recruiter ng National Federation of Sugar Workers, ang kina-aanibang organisasyon ng mga biktima.
Batay sa report ng Western Visayas Police, pinagbabaril ng aabot sa apatnapung (40) hindi pa nakikilalang mga armadong lalaki ang siyam (9) na mga bikitmang magsasaka na kinabibilangan ng dalawang (2) menor de edad habang nagpapahinga sa Hacienda Nene.