Pumapalo sa halos animnapu (60%) hanggang mahigit pitumpung porsyento (70%) ang satisfaction rating na nakuha ng Senado, Kamara, Korte Suprema at maging ng Gabinete ng Administrasyong Duterte.
Batay sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS), very good o nasa 72% ang satisfaction rating ng Senado, 61% ang sa Kamara, 62% ang satisfaction rating ng Korte Suprema at 57% naman ang sa Gabinete.
Umakyat ng 4 points ang satisfaction rating ng Senado mula noong December 2018 samantalang 7 puntos naman ang itinaas ng satisfaction rating ng Kamara.
Nakapagtala naman ng 13 points na pagtaas sa satisfaction rating ang Korte Suprema at 9% ang ini-akyat ng rating ng Gabinete.
Ang nasabing survey ay isinagawa noong March 28 hanggang 31 gamit ang face to face interviews sa mahigit 1,000 respondents sa buong bansa.