Pursigido ang gobyernong Duterte na matuldukan na ang problema ng endo o end of contract bago matapos ang termino ng Pangulong Rodrigo Duterte sa taong 2022.
Ito ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III ay sa pamamagitan nang pag-o-obliga sa mga kumpanya na i-regular na ang kanilang mga empleyado.
Bagamat hindi naman aniya naiiwasan ang seasonal contract tulad lamang tuwing panahon ng pasko o pasukan ng klase.
Sa ngayon, ipinabatid ni Bello na kalahating milyong manggagawa na ang na-regular mula nang lagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order noong nakalipas na taon na nangangalaga sa kapakanan ng mga manggagawa.
Tiniyak naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na tinutugunan ng pangulo ang problema ng mga manggagawa.
Inihayag ni Panelo na ipinauubaya na ng Palasyo sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang pagpapasya sa hirit ng labor group na dagdag P710 sa sahod ng mga manggagawa.