Itinaas na sa alert level 4 ang alarma sa Tripoli, Libya at kalapit na lugar nito dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan doon.
Nanganghulugan itong ipatutupad na ang voluntary repatriation o sapilitang pagpapalikas sa mga Pilipinong nasa nabanggit na mga lugar.
Gayunman, nilinaw ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin na hindi nila pipiliting lumikas ang mga Pilipino doon.
Samantala, tiniyak naman ng Malakanyang na kumikilos na ang pamahalaan kasunod ng pagtataas sa alert level 4 ng sitwasyon sa Libya.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi lamang DFA at DOLE ang kanilang pinakikilos kundi maging ang iba pang ahensiya ng pamahalaan para matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino sa Libya.