Sinimulan na ang pamamahagi ng kompensasyon sa mga biktima ng karapatang pantao noong panahon ng Martial Law.
Pinangunahan ni Atty. Robert Swift, ang Amerikanong abogado ng mga biktima ang pamamahagi ng tig-$1,500 o mahigit sa P77,000 sa kada biktima.
Kuwalipikadong tumanggap ng kompensasyon ang 9,000 human rights victims na kasama sa naipanalong class suit sa Amerika noong 1995.
Gayunman, ayon kay Swift, nasa mahigit 6,000 lamang ang nakipag-ugnayan sa kanya.
Ang pondo na umabot sa mahigit $13-M ay nagmula sa pinagbentahan ng apat na paintings na idineklara ng korte na bahagi ng ill-gotten wealth ng dating Pangulong Ferdinand at dating first lady Imelda Marcos.