Patuloy na bumababa ang average farm gate price ng palay hanggang noong unang linggo ng Abril.
Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba ng siyam na porsyento (9%) ang presyo ng palay sa P18.70 kada kilo mula sa P20. 55 kada kilo sa kaparehong panahon noong isang taon.
Lumalabas sa survey ng PSA na ang pinakamurang farm gate price ng palay ay naitala sa Caraga region sa P16. 33 kada kilo samantalang pinakamataas na average palay quotation ay naitala sa Central Visayas region sa P21.21 kada kilo.
Sa kabila nang pagbaba ng presyo ng palay, napanatili naman ng National Food Authority (NFA) ang effective buying price nito sa P20.70 kada kilo upang maprotektahan na rin ang mga magsasaka mula sa negatibong epekto ng rice tariffication law.