Inilunsad ng Department of Health (DOH) ang isang hotline para sa mga nangangailangan ng “mental health assistance”.
Ayon sa DOH, 24oras na nakaantabay ang tauhan ng National Center for Mental Health (NCMH) para sumagot at magbigay ng gabay sa mga nakararanas ng mental health crisis o depression.
Maaaring tumawag sa mga numerong 0917-8998727 at 989-8727 sa mga nais magpakonsulta o humingi ng payo.
Batay sa tala ng World Health Organization (WHO), nasa 800,000 tao ang kinikitil ang sariling buhay dahil sa kondisyon sa pag iisip.