Naipadala na ng Philippine Embassy sa Amerika ang lahat ng ballot packets sa mga Pilipinong rehistradong botante para sa overseas absentee voting.
Hinimok ng embahada ang mga botante na gamitin ang karapatan nilang makaboto.
Ayon sa Commission on Elections (Comelec), halos nasa dalawang milyon ang bilang ng mga rehistradong overseas Filipino workers (OFWs) na karamihan ay mula sa Middle East at Africa.
Maaari anitong bumoto ang mga rehistradong botante sa ibang bansa sa mga embahada ng Pilipinas o konsulado.
Nagsimula nitong nakalipas na April 13 ang overseas absentee voting na tatagal hanggang May 13.