Pinag-aaralan na ng Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) ang posibleng pagpapataw ng parusa sa mga power generation company dahil sa pagpalya ng kanilang mga planta.
Ito ayon kay Senador Sherwin Gatchalian ay dahil may kapangyarihan ang ERC na magpataw ng multa sa generation companies.
Sa pagdinig ng joint congressional power commission, sinabi ni ERC Commissioner Catherine Maceda na pinag-aaralan na nila ang power supply agreements para mabatid ang outage allowance ng mga generation company.
Tinututukan din aniya nila ang level of compliance ng mga kumpanya tulad nang pagsusumite ng taunang maintenance report na obligasyon nila.