Muling inilagay ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa red at yellow alert ang Luzon grid ngayong araw.
Kasunod pa rin ito ng pagiging manipis ng reserba ng kuryente sa luzon kung saan nasa 11,054 megawatts lamang ang available capacity gayung nasa 11,046 megawatts ang peak demand.
Anila, iiral ang yellow alert mula alas nuwebe hanggang ala diyes ng umaga, alas onse ng umaga hanggang alas dose ng tanghali, alas kuwatro hanggang ala singko ng hapon at ala sais hanggang alas nuwebe ng gabi.
Habang nakataas ang red alert mula alas diyes ng umaga hanggang alas onse ng umaga at alas dose ng tanghali hanggang alas kuwatro ng hapon.
Posible naman magkaroon ng rotational brownout sa mga oras na umiiral ang red alert.