Nasa mapanganib na sitwasyon pa rin ang mga mamamahayag sa bansa.
Ito ang isiniwalat ni Nonoy Espina, Chairperson ng National Union of Journalists of the Philippines o NUJP kasabay ng paggunita ng World Press Freedom Day.
Pinaratangan din ni Espina si Pangulong Rodrigo Duterte na siya umanong nangunguna sa pag-atake sa media.
Giit ni Espina, patuloy pa ring dumaranas ng pangha-harass at pagbabanta sa buhay ang mga peryodista habang nangangalap ng balita.
Magugunitang binigyang diin ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na iginagalang ng palasyo ang kalayaan sa pamamahayag at patunay dito ang paglikha mismo ng pamahalaan ng Presidential Task Force on Media Security o PTFOMS upang mabigyan ng proteksyon ang mga mamamahayag.