Opisyal nang sisimulan bukas, araw ng Lunes, May 6, ang isang buwang pag-aayuno ng mga kapatid nating Muslim o ang tinatawag na panahon ng Ramadan.
Ayon kay National Commission on Muslim Filipinos Secretary Saidamen Pangarungan, walang “moon sighting” kahapon, araw ng Sabado, kayat idineklara na ang pagsisimula ng Ramadan bukas.
Isang haligi ng Islam ang Ramadan, at ito ang panahon ng pagninilay at sakripisyo upang mas higit pang mapalapit kay Allah ang mga kapatid nating Muslim.
Sa loob ng isang buwan, ipinagbabawal ng mga Muslim sa buong mundo ang pag-inom ng tubig tuwing araw, mga sexual activity, bisyo at pagkain.