Niyanig ng magnitude 5 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Sur mag-aalas diyes kaninang umaga.
Batay sa datos ng PHIVOLCS, natukoy ang episentro ng pagyanig sa layong 77 kilometro timog silangan ng bayan ng Cagawit sa nasabing lalawigan.
May lalim na 28 kilometro mula sa episentro ang nasabing lindol at tectonic ang siyang pinagmulan nito.
Pero nilinaw ni PHIVOLCS Director at DOST Usec. Renato Solidum na walang banta ng tsunami sa paligid ng Surigao del Sur at sa mga karatig lugar nito.
Matapos nito, niyanig din ng magnitude 3.9 na lindol ang Davao Occidental kaninag alas onse ng umaga.
Natukoy naman ang episentro ng pagyanig sa layong 202 kilometro timog ng Saranggani, Davao Occidental.
May lamim itong 34 na kilometro mula sa episentro, tectonic ang pinagmulan at wala naman ding naitalang maitinding pinsala dahil ito’y tumama sa karagatan.