Iginiit ng Alliance of Concerned Teachers (ACT Teachers Partylist) na hindi dapat kaltasan ng buwis ang honorarium ng mga teachers na nagsisilbi tuwing eleksyon.
Ayon kay ACT Partylist Representative Antonio Tinio, dapat ring ibalik ng pamahalaan ang buwis na kinaltas nila sa honorarium ng mga teachers na nagsilbi noong barangay elections.
Sinabi ni Tinio na malaking bagay rin para sa mga guro ang P500 hanggang P600 kaltas sa P6,000 honorarium nila kapag nagsisilbi sa eleksyon.
Dapat isaayos na ng COMELEC ang kanilang mga proseso para hindi na maging problema ito sa panahon ng eleksyon. Tapos, do’n naman sa refund, well, ‘yung barangay election pa ‘yung pinaguusapan natin, no. So, nakapag-intay na ng ganito katagal ‘yung mga teachers na hindi pa nabibigyan ng refund, so dapat tapusin na ‘yung usapin na ‘yan.” ani Tinio.
Balitang Todo Lakas Interview