Tatlo pang petisyon para maitaas ang minimum wage ang ikinakasa ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP).
Ayon kay Louie Corral, Vice President ng TUCP, ihahain nila ang petisyon sa Central Luzon, Central Visayas at Calabarzon.
P386 anya ang hihingin nila para sa Central Visayas para sa P798 na minimum wage para sa rehiyon.
Sinabi ni Corral na kasalukuyan pa nilang kinukuwenta ang kailangang umento para sa Central Luzon at Calabarzon.
Una rito, naghain ng petisyon ang TUCP para itaas sa P1,247 ang minimum wage sa Metro Manila mula sa kasalukuyang P537.