Nanawagan si dating CHR Chairperson Loretta Ann Rosales na huwag suportahan ang political dynasty sa party-list system.
Ayon kay Rosales, miyembro ng Grupong No to Kamag-anak Incorporated, 30 party list groups ang may koneksyon sa political dynasty.
Naglabas din ng sariling bersyon ang grupo ng matrix ng party-list na nag uugnay sa mga political families o official governments.
Binigyang diin ni rosales na ang party-list ay dapat na para sa totoong grupo na nasa laylayan at hindi mga dating pulitiko o mga kaanak ng mga pulitiko at nagtayo ng party-list.
Solusyon din aniya ang party list para maiwasan ang dahas, kahirapan at hindi maideklara ang martial law.
Kaya’t nananawagan ang grupo na mahigpit na pag isipan ang ibobotong party-list group na dapat ay totoong nangangailangan ng representasyon sa lipunan.