Nasabat ng Bureau of customs (BOC) ang mahigit sa 400 balikbayan box mula sa Singapore na nagkakahalaga ng mahigit sa P1.7 million pesos.
Ayon sa BOC, 133 na packages na bahagi ng kargamento ay idineklara bilang gamit pang bahay at personal effects subalit hindi idineklara ang 400 kahon.
Natuklasan ng BOC na sa 400 kahon, 380 sa mga ito ang naglalaman ng pre-mixed flour at pork floss na umano’y ipinangalan sa kumpanyang “Bread Talk.”
Sinabi ng BOC na kanila na din nakilala ang consolidator ng kargamento at ito ay ang Philbase Express Freight Logistics Corporation.
By Katrina Valle