Hinubaran ng maskara ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III si Peter Joemel Advincula na nagpakilalang alias Bikoy.
Sa isang press conference, inilantad ni Sotto ang sinumpaang salaysay ni Advincula nuong December 2016 na ipinadala sa kanyang tanggapan at ikinumpara ito sa pahayag ni Advincula nang dumulog ito sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) kamakailan lang.
Ayon kay Sotto, pareho ang sinasabi ni Advincula nuong 2016 at ngayong 2019 na miyembro siya ng quadrangle syndicate.
Gayunman, makikita anya ang malaking pagkakaiba ng mga pangalang isinangkot nya nuong 2016 at sa kasalukuyan.
Binigyang diin ni Sotto na naway maging leksyon ang kaso ni Advincula sa mga grupong mabilis pumatol sa mga alegasyong nakakasira sa ibang tao.
Matatandaan na isang religious group ang nilapitan ni Advincula at sumama sa kanya para dumulog sa IBP.
Imbestigasyon kaugnay sa mga inilahad ni alias ‘Bikoy’ kinansela
Kinansela na ni Senador Panfilo Lacson ang ipinatawag nyang hearing sa Biyernes hinggil sa mga ibinunyag ni Peter Joemel Advincula alias Bikoy.
Ayon kay Lacson, pagsasayang na lamang ng panahon ang pakinggan si Advincula matapos ang mabunyag na lumapit na ito at nagsumite ng sinumpaang salaysay kay Senate President Tito Sotto nuong December 2016.
LOOK: Senador Ping Lacson kinansela ang hearing sa Senado kaugnay ng sa mga inihayag ni alias ‘Bikoy’. pic.twitter.com/cxFaCnsvwl
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) May 8, 2019
Sa sinumpaang salaysay ni Advincula na hawak ni Sotto, mga pangalan nina dating Pangulong Noynoy Aquino, Mar Roxas, Leila de Lima, mga kongresista at lokal na opisyal ang kanyang idinawit sa illegal drug syndicate.
Samantala, sa kanyang pahayag naman sa Bikoy videos, sina Presidential Son Paolo Duterte, Atty. Mans Carpio, dating SAP Bong Go naman ang kanyang isinangkot.