Nakuha ang isang dalawampung pulgadang Phyton sa Ninoy Aquino International Airport.
Ayon sa BOC, nakita ang ahas na nakatago sa isang bluetooth speaker nang idaan ito sa x-ray inspection noong Linggo.
Nai-turn over na ang naturang ahas sa Department of Environment and Natural Resources.
Nagpaalala naman ang DENR sa publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang mag import, export at pagbebenta ng wildlife ng walang kaukulang permiso dahil paglabag ito sa Republic Act 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.