Nahaharap sa kasong diskwalipikasyon sa Commission on Elections o Comelec si Cavite Governor Jonvic Remulla dahil sa umano’y vote-buying.
Gayuman, hiniling ng naghain ng petisyon na huwag siyang pangalanan dahil sa mga banta umano sa kaniyang buhay lalo na kung siya ay lumantad pa sa publiko.
Sinabi naman ng legal counsel ng petitioner na si Atty. Mynoa- Refazo -Sto. Domingo na hindi konektado ang kaniyang kliyente sa sinumang kalaban ni Remulla sa kanilang lalawigan.
Noong Lunes, kinasuhan ng paglabag sa Omnibus Election Code ang 10 tagasuporta ni Remulla matapos silang maaresto noong Sabado sa operasyong ikinasa ng pulisya sa Barangay Zapote V, Bacoor City.
Batay ito sa natanggap nilang impormasyon na may nangyayaring “vote-buying” sa nasabing barangay.