Inilatag na ng simbahang katolika ang sampu na umano’y “The best senatorial candidates” na umano’y dapat iboto ng mga botante.
Sa banal na misa na pinangunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, bukod sa ipinagdasal nito ang isang maayos at mapayapang halalan sa Mayo 13 ay inihayag nito ang nasabing listahan kung saan ibinatay sa 4 na kategorya ng karakter at karangalan.
Ang “People’s Choice Movement” ay binubuo ng 130 Lay Christian Leaders at pumili sila ng umano’y best senatorial candidates na binubuo nina Gary Alejano, Bam Aquino, Neri Colmenares, Chel Diokno, Samira Gutoc, Pilo Hilbay, Romy Macalintal, Grace Poe, Mar Roxas At Erin Tañada.
Una rito, sinabi ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines o CBCP na may karapatan ang mga layko na makiisa sa isang “principled partisan politics”.
Nangangahulugan ito na ang mga kristyano ay maaaring pumili at ikampaniya ang mga kandidatong sa tingin nila ay itataguyod ang pananampalatayang kristiyano.