Hindi pa tumitigil ang China sa land reclamation sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Sa kabila ito ng pahayag noong August 5 ni Chinese Foreign Minister Wang Yi na itinigil muna ng China ang kanilang reclamation activities.
Ayon kay Bonnie Glasser ng Center for Strategic International Studies ng Washington D.C., may mga nakuha silang mga larawan nitong Setyembre kung saan makikita ang paghuhukay na ginagawa ng China sa Subi Reef at Mischief Reef sa Spratlys.
Kitang-kita aniya ang paghuhukay na tila ang motibo ay mapalawak ang daraanan ng mga barko, papasok sa karagatang pinaliligiran ng bahura.
Ang isyu sa pursigidong pangangamkam ng China sa mga pinag-aagawang teritoryo sa Asya ang isa sa mga sinasabing agenda ng pag-uusap nina US President Barrack Obama at Chinese President Xi Jinping sa nakatakda nitong pagbisita sa Amerika.
By Len Aguirre