Nagbabala si dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Gregorio Larrazabal laban sa pilot testing ng bagong voter registration confirmation sa araw mismo ng eleksyon.
Ayon kay Larrazabal, posibleng mabalam ang eleksyon sa mga lugar kung saan isasagawa ang pilot testing.
Worst scenario anya ay marami ang madismaya at magpasyang huwag na lamang bumoto.
Tinukoy ni Larrazabal ang Voter Registration Verification System (VRVS) kung saan kailangang i check ng botante ang kanilang pangalan sa Election Day Computerized Voters List (EDCVL).
Ang pilot testing ay isasagawa sa Maynila, Quezon City at Caloocan City.
“Pagpasok mo sa presinto i-check mo na kung wala ka sa excluded voters. Kung wala ka pupunta ka doon sa machine babasahin fingerprint mo. Kung mabasa yung fingerprint mo mag-confirm yung machine, then, babalik sa EDCVL para to confirm para mag-sign ka then bibigay sayo balota. Kung hindi mabasa fingerprint mo dapat you do manual search sa system. Before you do that, dapat yung chairman will give yung smartcard niya ilalagay as a password. Pagkatapos kung mahanap yung pangalan mo sa manual search bibigay sayo yung balota but kung hindi babalik ka sa EDCVL. Ang tanong diyan, ilang minuto ma-uuse up while this is happening?” Pahayag ni Larrazabal.
interview from Ratsada Balita
Pilot testing ng Comelec posibleng makaantala sa midterm elections
Posibleng makaantala sa eleksiyon ang pilot testing ng Commission on Elections (Comelec) sa kanilang bagong voter registration system sa mismong araw ng eleksiyon.
Ito, ayon kay dating Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal kaugnay ng bagong voter registration verification system (VRVS) ng Comelec, na ilulunsad sa ilang mga lugar.
Ang VRVS ay ang bagong sistema ng Comelec kung saan kailangang i-check ng mga botante ang kanilang pangalan sa election day computerized voters list (EDCVL), bago ito sumailam sa pag-beripika ng kanilang biometric information.
Aniya, worst case scenario ay ang maraming botante ang madismaya at magpasyang huwag na lamang bumoto.
Ang pilot testing ng VRVS ay isasagawa ng comelec sa Maynila, Quezon City at Caloocan City. (sinulat ni Ashley Jose)