Pinagbibitiw sa pwesto ni Solicitor General Jose Calida si Integrated Bar of the Philippines o IBP President Abdiel Dan Elijah Fajardo.
Ito’y matapos ang ginawang paglantad ni Peter Joemel Advincula o alyas ‘Bikoy’ sa IBP Headquarters sa Pasig City noong Mayo 6.
Ayon kay Calida, pinayagan ni Fajardo si Advincula na ilahad ang kaniyang mga alegasyon sa pamamagitan ng press conference sa IBP.
Giit ni Calida, hindi dapat nagtatalakay ng anumang usaping pulitikal ang IBP dahil ito ay isang non-partisan organization.