Inakusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Senador Antonio Trillanes IV at mga kandidato ng otso diretso na nasa likod ng kontrobersyal at mapanirang “Ang Totoong Narco List videos” na nag-uugnay sa pamilya Duterte sa iligal na droga.
Sa kanyang talumpati sa Miting de Avance ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) sa Davao City, iginiit ng pangulo sangkot ang magdalo at oposisyon sa naturang video tampok si alyas Bikoy.
Naniniwala din ang pangulo na si Bikoy ay sundalong kaalyado umano ni Trillanes.
Matatandaang sa naturang video, idinadawit sina Presidential Son at Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, son in law ng pangulo na si Atty. Manases Carpio at si dating Special Presidential Assistant to the President Bong Go na tumatanggap ng pera na mula sa iligal na droga.