Handa na ang Commission on Elections (Comelec) sa pagtanggap ng mataas nabilang ng mga electoral protest sa gitna ng mga naranasang aberya noong May 13 midterm elections.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, inaasahan na nila ang pagdagsa ng mga protesta lalo’t karaniwan naman pagkatapos ng eleksyon ang kaliwa’t kanang reklamo ng umano’y dayaan.
Gayunman, hindi maaaring pigilan ng natalong kandidato ang proklamasyon ng nanalong kalaban.
Asahan na aniyang magpapatuloy ang proklamasyon sa kabila ng alegasyong nagkaroon umano ng malawakang vote buying at pandaraya.
Pagsususpinde sa proklamasyon ng mga nanalong senatorial candidate isinantabi
Isinantabi na ng Commission on Elections (Comelec) ang pagsuspinde sa proklamasyon ng nanalong labindalawang senador sa gitna ng mga anomalya noong midterm polls.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, hindi maaaring suspendihin ang proklamasyon ng mga nanalong kandidato dahil lamang sa mga walang batayang akusasyon.
Maaari aniyang magkaroon ng negatibong sa bilangan ang postponement.
Nilinaw naman ni Jimenez na bagaman ispekulasyon pa lamang ang bintang na dayaan, makatitiyak ang mga election watch groups at poll watchers na walang irregular sa midterm polls.