Pagpapasyahan na ng Liberal Party sa Setyembre 28 kung sino ang magiging running mate ni dating Interior Secretary Mar Roxas sa 2016 elections.
Ito’y ayon kay Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya kasabay ng pag-amin na ilalahad din ng partido sa naturang araw ang magiging senatorial slate ng administration party.
Pagmamalaki ni Abaya, hindi kawalan sa Partido Liberal si Sen. Grace Poe kahit pa tumakbo ito sa halalang pampanguluhan sa susunod na taon.
Giit ni Abaya, ginawa na ng administrasyon ang lahat upang makumbinsi itong maging katambal ni Roxas.
Sinasabing kabilang sa mga ikinu-konsiderang running mate ni Roxas sina Rep. Leni Robredo, Batangas Gov. Vilma Santos, Sen. Alan Cayetano at Sen. Antonio Trillanes IV.
By: Jelbert Perdez