Pinauuwi na sa Pilipinas ang mga opisyal ng embahada ng bansa sa Canada.
Ito’y makaraang mabigo ang pamahalaan ng Canada na masunod ang deadline para iuwi sa kanilang bansa ang tone-toneladang basura na itinapon dito sa Pilipinas.
Sa kanyang twitter account, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin na sinulatan na nya ang ambassador at consuls sa embahada ng Pilipinas para umuwi muna ng bansa.
Mananatili aniya ang manipis na presensya ng diplomatic officials sa canada hanggang sa makuha nila ang kanilang mga basura sa bansa.
Una rito, binigyan ng pamahalaan ng hanggang Mayo 15 ang Canada para bawiin ang itinapon nilang basura sa bansa.