Muli na namang isinailalim sa yellow alert ang Luzon grid dahil sa manipis na reserba sa suplay ng kuryente.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), tatagal ang yellow alert mula alas diyes ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon.
Nasa 11,625 megawatts anila ang kapasidad ng Luzon grid samantalang aabot sa 11,293 ang peak demand sa kuryente.
Gayunman, wala namang inaasahang brownout o pagkawala ng kuryente dahil sa manipis na reserba.