Pansamantalang itinigil simula kahapon ang pagkuha ng supply ng tubig mula sa Angat Dam para sa irigasyon.
Ipinabatid ito ni Sevillo David, Jr, executive director ng NWRB o National Water Resources Board, matapos unang gawin na lamang 10 cubis meters mula sa dating 35 cubis meters ang inilaang tubig para sa irigasyon mula sa Angat Dam.
Binigyang diin ni David na hindi naman apektado ng suspensyon ng allocation ang agriculture sector dahil hindi na kailangan ng mga magsasaka ang tubig pang irigasyon kasunod nang panahon ng anihan.
Kasabay nito, sinabi ni David na patuloy na bumababa ang antas ng tubig sa Angat Dam subalit pinabagal ng mga pag ulan ang pagbaba ng water level nito.