Nakakaranas ng matinding tagtuyot ang North Korea na itinuturing na pinakamalalang tagtuyot sa nakalipas na 37 taon.
Ayon sa United Nations, pinalala pa ng tagtuyot ang nararanasang food crisis at maaaring lumala pa rin ang sitwasyon sa susunod na mga buwan.
Ipinabatid ng Korean Central News Agency na ang naranasang buhos ng ulan sa NoKor ay 2.1 inches lamang ngayong taon at ito ay pinakamababa simula noong 1982.
Wala ring inaasahang pag ulan hanggang sa katapusan ng buwan.
Inihayag pa ng U.N na sampung milyong North Koreans o 40 percent ng populasyon nito ang dumaranas ng food crisis dahil na rin sa matinding epekto ng tagtuyot sa pananim.