Kinilala ng Department of Education (DepEd) ang mga gurong nagsilbi nitong nakalipas na 2019 Midterm Elections.
Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, nagpapasalamat siya sa mga teaching at non-teaching personnel na nakibahagi at nanindigan para sa halalan na bahagi ng demokrasya ng bansa.
Sa pagtataya ni DepEd Undersecretary for Administration and Election Task Force Chairman Alain Del Pascua, naging ligtas at mapayapa ang naging halalan maliban lamang ilang problema.
Mahigit 500 mga guro at school personnel ang idineploy ng DepEd nitong nakalipas na eleksiyon.